Sabado, Disyembre 7, 2013

Biglang umulan ng malakas habang naglalakad 
si Alfred kaya't nakisilong muna sya sa 
isang bahay. "Amang, mukhang gutom na 
gutom ho kayo, bakit di ho muna kayo 
kumain ng niluto kong kamote", sabi kay
alfred ng tinuluyan. Ayun nga, lumamon 
sya ng lumamon. *burp* , tunog nya. 
"Ito at tumila na ang ulan, maraming 
salamat sa lahat." sabi ni Alfred. 
Malapit na sya ng bahay ng kanyang matanaw 
ang kanyang misis. "Honey, bakit ngayon 
ka lang?, eh hindi na nga bale, halika 
at meron akong surprise sa 'yo". Nilagyan 
ni misis ng blinfold si Alfred. "Hwag na 
hwag kang sisilip kahit anong mangyari,
kungdi ay lagot ka sa akin!" Pumasok na
silang dalawa sa loob at sinarado na ang 
pinto ng biglang nag-ring ang telepono.
"O Honey, wait lang muna ha, sagutin ko 
tong phone, remember, hwag sisilip!" 
Naiwan na si Alfred pero biglang sumakit
ang kanyang tyan, siguro ito ay dahil sa
paglamon nya ng kamote. tinaas nya ang 
kanyang paa at doon nilabas ang masamang 
hangin, prrtttt....kasing amoy ng bagok na
itlog. Pinaypayan nya ito para hindi maamoy 
ng kangyang misis. bratat tat tat tat tat tat....nautot na naman sya, kaya sige paypay 
na naman. sige lang at utot sya ng utot 
dahil di nya mapigilan. "bye" rinig nya 
galing sa boses ng kanyang misis, so 
pinigilan na nya ang pag-uutot. "hindi
ka ba sumilip???" sambit ni misis. 
"hindi ah!, hinding hindi". "okay then, 
mabuti naman" (si misis uli). "Buksan mo 
na ang blindfold mo"
binuksan na nya, at nandoon nakabulagta 
ang sampung bisitang nakaupo sa paligid nya. "SURPRISE!!!!" sabi ni misis. 

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento