Tol, meron siya ngayon. Masakit ang kanyang puson. Madali syang mairita. Paiba iba ang mood nya. Tapos sasabayan mo pa ang pagpapasakit ng ulo nya? Nagagalit ka kasi sinusungitan ka nya? Hindi mo siya kinakausap kasi akala mo nagtatampo sya? Aawayin mo din sya kasi inaaway ka nya? Maswerte ka kasi di mo nararanasan ang sakit na nararamdaman nya buwan buwan. Maging pasensyoso ka sa kanya. Bilhan mo sya ng kanyang mga paboritong pagkain. Puntahan mo sya sa bahay nila at samahan mo syang manuod ng magagandang pelikula. Habang nanunuod kayo, yakapin mo sya. Kausapin mo sya. Alagaan mo sya na para bang ikaw ang private nurse nya. Lambingin mo sya kahit hindi ka nya nilalambing. Wag mo syang layoan kasi isa yan sa mga panahon na kailangan ka nya.






0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento